FAA OnLiNe

Friday, October 14, 2005

Bawal magkasakit


Minsan pag may lagnat ka, lalo kang nagkakasakit sa tuwing iniisip mo ang gastos mo sa gamot. okay lang yan pag nadadala mo ang katawan mo sa pamamagitan ng tubig at mamisong paracetamol. Pero kung tutuusin, mas malala yaong mga kaptid natin na nasa mas malubhang kondisyon. Paano kung ikaw ay may kanser, sakit sa baga, namamaga ang atay o may sakit sa puso? Sa pagtingin pa lang ng haba ng reseta at nagmamahalang presyo, minsan tuloy ay parang gusto mo na lang mamatay para mapawi ang pait na dulot ng nanghihinang katawan at butas na bulsa.
Kung ikukumpara natin sa ibang bansa, ang tableta na para sa sakit ng tyan o lagnat na ibenebenta ng mga naglalakihang botika dito ay halos syento porsyento (100%) na mas mahal. Kung sa India ang paracetamol ay nabibili sa piso kada tableta, ang presyo sa Pilipinas ay umaabot nga P4-5.
Buti na lang duon sa mayayamang angkan dahil sila ay may perang magagastos. Paano na lamang ang 70% na Pinoy na nasasadlak sa kahirapan?
Ito ang epekto ng kartel na sumsaklaw sa paggawa at pagbebenta ng gamot.
Sa ngayong panahon na ang inaatupag ng mga bwitre sa pamahalaan ay pulitika at pera, malabong maaksyunan ang problema natin sa kartel sa gamot.
Mas mainam nga na idaan ang mga solusyon sa kooperatiba at sa mga komunidad datapwat mahirap kalabanin ang kartel ng gamot na syang pumipiga sa mga mahihirap nating kapatid.
Ikaw, ano ang masasabi mo?

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home